Noong Disyembre 6, 2019, ako’y
pumunta sa aming Barangay kasama ang aking kaklase upang magsagawa ng isang
maikling interview. Ang aming nakapanayam ay si KGD. Edmundo T. Cruz ang
Disaster Chairman ng Barangay Santol. Sa tagal ko na naninirahan sa aming pamayanan,
ang mga napansin kong kalamidad/ hazards na tumama sa aming barangay ay mga baha
at sunog. Ngunit hindi lang pala ito ang mga kalamidad na nakaapekto sa aming
pamayanan nagkaroon pala ng ipo-ipo noon. Malalaman ng barangay ang isang
bantang sakuna sa panonood o pakikinig sa weather forecast.Dahil ang PIlipinas ay isang arkepelago, ito’y madalas tamaan ng mga malalakas na hangin at pagulan. Sa bawat pagulan at pagkaroon ng bagyo, ang bawat lugar sa buong bansa ay humaharap sa pagbaha at sa pagkawala ng pangkabuhayan. Dahil sa kakulangan sa kaalaman kung paano natin maiiwasan at paraan kung paano maging ligtas sa mga sakuna, ang bawat Pilipino ay hindi handa. Sa ating panahon ngayon, sa pamamaraan ng paggamit ng internet ay maari nating ipahayag ang importansya at pagkakaroon ng kamalayan sa mga panganib.



